“TITO, available po ako bukas, kung may free time kayo,” text ng isang poging contestant sa isang noontime show dati sa isang fashion designer na naka-date na rin naman yata niya noong araw.
Dati kasi nagiging performer pa rin sa mga provincial show si pogi, at nagiging host sa mga corporate event, pero ngayon dahil bawal nga ang mga mass gatherings at walang shows, iyong dating “sideline” lamang niya, iyon na yata ang kanyang ginagawang “profession.”
Talagang maraming masamang epekto sa buhay ng tao itong Covid na ito. Mas marami tuloy ang tuluyang nalilihis ng landas, paano nga walang pagkakitaan ng maayos. Ang katuwiran nila, mas ok na iyon kaysa gumawa sila ng masama sa kapwa nila, magnakaw o manloko pa.
Ang hindi nila napapansin, ang tuluyang pagbagsak ng moralidad dahil sa ginagawa nila. (Ed de Leon)