KAWAWA naman ang isang male star. Lagi siyang ikinukompara sa mas sikat na tatay niya, at ang masakit sinasabi pang hindi niya namana nang husto ang kaguwapuhan ng tatay niya. May hitsura naman iyong bata, pero totoong mas pogi sa kanya ang tatay niya. Kung hindi na siguro siya nag-ambisyong mag-artista, hindi niya aabutin ang mga ganyang panlalait.
Kawawa rin naman iyong bata. Makikita mo naman ang kanyang pagsisikap. Pero hindi niya kasalanan kung hindi siya kasing pogi at kasing galing umarte ng tatay niya. Hindi naman siya dapat ikompara sa ganoon. Siguro kung hindi rin naman napangalagaan at nagparetoke rin ang tatay niya, ganyan din naman. (Ed de Leon)