KUNG may lalabas na vaccine laban sa Covid at saka na pakakasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa simbahan. Si Matteo mismo ang nagsabi niyan. Kasi nga gusto nilang magkaroon ng kasal na makakasama naman nila ang kanilang mga kaibigan.
Pero hindi ba masasabing kasal na rin sa simbahan ang kanilang ginawa? Born again nga lang. Kung sila ay pakakasal sa simbahang Katoliko, kailangang patunayan nila na sila nga ay Katoliko at hindi born again. Kung hindi naman sila born again, bale wala nga ang nauna nilang kasal dahil itinatakda ng batas na legal lamang ang isang kasal sa iglesia kung sila, o isa man sa kanila ay miyembro ng iglesiang nagkasal sa kanila.
Magulong usapan iyan. Ewan na sa kanila.
HATAWAN
ni Ed de Leon