TAHIMIK lang na nag-celebrate ng kanyang birthday si Ate Vi (Congw. Vilma Santos). Talaga namang matagal na siyang ganoon dahil gusto niyang ang birthday niya ay maging isang family affair na lamang. Eh ‘di lalo na nga ngayon na pandemic pa at bawal ang gathering ng higit sa 10 tao. Hindi naman si Ate Vi ang magpapalusot ng “mananita iyan ng fans.”
Isa pa nagsawa na rin naman siguro siya sa maraming taon na basta birthday niya dumarayo pa rito ang fans niya mula sa probinsiya, sakay ng mga malalaking bus para makita at mabati lang siya, pero hindi naman niya maharap nang husto dahil sa dami. Tama na nga naman iyong simple.
HATAWAN
ni Ed de Leon