MAY narinig kaming tsismis. Tsismis ha. Ang usapan naman daw pala ay mananatili lamang si Piolo Pascual ng apat na Linggo sa kanilang gagawing show sa TV5, para mapagbigyan lamang si director Johnny Manahan, at pagkatapos ay babalik siya sa ABS-CBN. Ibig sabihin, sa ASAP pa rin siya mapapanood talaga.
“Mukhang ang tinutulungan naman ng kampo ni Piolo si James Reid, kasi iyon ang ipinu-push nilang magkaroon ng show sa TV5,”sabi pa ng aming source.
May dagdag na tsismis pa ang aming source. Ang magha-handle raw kay Nadine Lustre ay si Biboy Arboleda na. Pero sabi nga namin, tsismis lang iyan na naririnig namin.
HATAWAN
ni Ed de Leon