SINASABING ang tinatanaw na linaw ng ABS-CBN na muli pa silang makapagharap ng panibagong application para sa panibagong franchise, makalipas lang siguro ang ilang buwan ay mukhang lumabo pa ngayon. Iyong inaasahan kasi nilang pagpapalit ng liderato ng kamara ay hindi rin naman nangyari.
Inaasahan nila noon na sa pagpapalit ng liderato, mas magkakaroon naman ng simpatiya sa kanila, pero sa ngayon wala ngang pagpapalit, at iyon mismong mga nagdiin sa ABS-CBN, sila pa rin ang sinasabing kakampi ng kasalukuyang speaker.
Malabo rin sa tingin namin ang ginagapang nila ngayong Peoples’ initiative. Palagay namin magtatagal pa nga bago sila makabalik on the air.
HATAWAN
ni Ed de Leon