Friday , May 17 2024

Sherilyn, aminadong naghirap nang ma-1-2-3 sa negosyo

INAMIN ni Sherilyn Reyes na sa ngayon, panay ang kayod nila dahil hirap na hirap sila sa pera. Talagang sagad, sabi nga niya. Una, dahil nga sa pandemic wala sila halos trabaho, at hindi lang naman siya, halos lahat ng artista ay ganyan. Kaya nga mapapansin ninyo, ang daming artistang pumasok na lang sa on line business, dahil iyon lang ang kanilang magagawa sa ngayon para mag-survive. Hindi biro iyang halos pitong buwan na silang walang trabaho.

Lalong hindi biro iyong nangyaring nasara pa nga ang kanilang network, kaya ano naman ang maaasahang trabaho agad ni Sherilyn o ng kanyang anak na si Ryle kung sakali man?

Pero sinabi niyang ang talagang nagpahirap sa kanila nang husto at naging dahilan kung bakit ubos ang kanyang pera ay dahil sa katotohanang “na-1-2-3” siya sa isang negosyo. In short naloko siya at dahil diyan kailangang siya mismo ang magbayad sa mga supplier na kinunan nila ng mga item kasi siya ang nakaharap doon. Iyon namang kumuha sa kanya nagtago na.

Hindi niya sinabi kung anong business iyon, basta “na-1-2-3” siya.

Iyang mga artista kasi, sa totoo lang hindi naman sanay talaga sa negosyo ang marami riyan. Sanay kasi sila na darating sila sa set, babasahin ang script, aarte at babayaran na sila. Wala silang inilalabas na puhunan. Eh sa negosyo, puhunan mo iyon mismo eh.

Dahil diyan hindi talaga sila sanay kung paano mababantayan ang puhunan. Madali silang magtiwala, kasi sa showbusiness ganoon naman ang kalakaran eh. Walang masyadong papeles dito, puro salita lang, at ang salita naman ay talagang tinutupad. Kaya iyong mga safety net pagdating sa puhunan talagang hindi sila sanay. Kaya maraming artista ang biktima talaga ng “1-2-3”. Ingat lang.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *