SABI nila, mukhang masyado ngang sabik si Rodjun Cruz sa kanyang anak na panganay na si Rodolfo Joaquin Diego Ilustre III, dahil kapapanganak pa lang niyon, ilang araw pa lamang at makikitang lagi na siyang karga ng kanyang tatay. Noong isang araw, may video pa ang mag-ama habang nagpapa-araw.
Sinasabi ngang mabuti naman iyon para sa bata, pero at the same time may risk din dahil hindi naman natin alam kung talaga ngang air borne iyang Covid-19 virus. Paano nga kung malanghap iyon ng bata? Pero maingat naman daw sila. Naka-face mask din si Rodjun, at may takip naman ang bibig at ilong ng bata kung inilalabas man.
Talagang ganyan ang feeling ng bagong tatay.
HATAWAN
ni Ed de Leon