MATAGAL na siyang walang project. May pelikulang ginagawa na sigurado namang hindi rin kikita. Pero walang pakialam ang male star kahit na marami ang naghihirap sa panahong ito ng pandemya. Aba eh kahit naman kasi sa panahon ng pandemya “uma-anda la rica” ang kanyang gay politician lover. Mas madalas pa ngang makita sa TV si “mama” kaysa male star.
Eh sa panahong ito naman talagang masasabing bagsak ang career ni male star. Wala rin namang nangyayari sa career ni misis, kaya nga siguro umaasa na lang sila sa kanyang gay politician lover. (Ed de Leon)