Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo Pascual, walang dapat sagutin kay BB Gandanghari

KAHIT na noong araw pa, ilusyon ko si Piolo talaga,”ang bungad na kuwento sa amin ng isang gay movie writer. Eh hindi naman nakakapagtaka o nakabibigla, dahil gay nga siya eh, at pogi naman talaga si Piolo Pascual kaya hindi nakapagtatakang maging ilusyon siya ng mga gay.

“Pero nasira na ang ilusyon ko dahil sa blog ni BB Gandanghari,” dugtong ng gay movie writer.

Bakit, ano ba ang sinabi ni BB Gandanghari tungkol kay Piolo na ikinasira ng kanyang “ilusyon?” Nabanggit ni BB ang pangalan ni Piolo, na alam naman nating kaibigan din niya noon pa man, at hindi naman nila ikinakaila iyon. Pero walang sinabi si BB na ang actor na naka-relasyon ni Rustom Padilla ay si Piolo.

Hindi rin namin maintindihan kung bakit pinipilit nilang ang mga bagay na sinabi ni BB ay kailangang sagutin ni Piolo. Bakit kailangan niyang sumagot kung wala naman siyang kinalaman doon? Siguro kung may dapat mang magbigay ng statement ay iyong isang kinatawan ng LGBTQ. Ano ang masasabi nila sa ginawang pagbubulgar ni BB sa “activity” ng isang kalahi nila.

Tama ba na ikuwento ng isang tao, kahit na sabihing mayroon siyang “presumed authority” mula roon sa taong ikinukuwento niya, na ibulgar ang love affairs niyon. Ang pagbubulgar ba ay may himig ng discrimination, o ikinuwento nang may pagmamalaki? Ikinahihiya ba o ikinararangal? Maraming factors na kailangang isipin eh.

Kung manahimik man si Piolo at hindi siya magalit kay BB, siguro pinaninindigan lang niyang wala siyang kinalaman sa kuwento, tutal hindi naman sinabing siya iyong ikinukuwento. Nabanggit lang ang pangalan niya, at walang sinabing Piolo Pascual. Eh ilang tao ba sa buong mundo ang may pangalang Piolo? Rito nga lang sa palengke malapit sa amin, iyong nagtitinda ng daing na Salinas kung tawagin nila ay Piolo eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …