KUNG ano-anong balita na ang lumalabas tungkol kay Sunshine Cruz sa internet. Kung sa bagay iyan namang internet alam nating pugad iyan ng fake news. Kaya nga hindi umasenso iyang nasa internet eh, kasi puro fake news, puro pirated films. Isipin ba naman ninyong pati iyong pelikula tungkol sa Fatima na hindi pa nailalabas sa sinehan ay napirata na sa Facebook. Kung hindi ba naman mga walanghiya ang gumagawa niyan.
Iyon namang mga basher na wala nang ginawa kundi siraan si Sunshine, palagay namin walang ibang motibo kundi matinding inggit. Isipin ninyo, sa edad na 40 napakaganda pa rin ni Sunshine. Hindi siya nagmukhang pindangga. Hindi siya naging kasing lapad ng aparador. At hanggang ngayon in demand siya sa mga project hindi gaya ng iba na ang mga project ay nasa ilusyon lang naman nila kaya walang masimulan kahit na isa. Kaya inggit lang talaga ang motibo ng ginagawa nilang paninira laban kay Sunshine Cruz.
HATAWAN
ni Ed de Leon