Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rustom Padilla, nagka-relasyon sa isang actor na magaling humalik

WALANG diretsahang sinabi si BB Gandanghari sa kanyang video blog kung sino ang actor na naka-fling ni Rustom Padilla sa US. Dalawang magkasunod na araw naming pinanood ang napakahabang video blog, para makita kung hindi nga ba siya nadulas kung sino ang actor na ‘nakasama” ni Rustom Padilla sa isang hotel sa San Francisco, pero wala siya talagang sinabi.

Hindi namin sinasabing dahil doon ay walang kasalanan si BB. Actually, na-violate niya ang privacy ni Rustom Padilla na itsinismis niyang bading na nakipag-fling sa kapwa niya bading. Pero ang tanong, kung sakali ba idedemanda ni Rustom si BB?

May isang actor pang hindi naman niya binanggit. Ang kalakaran sa korte, hindi mo man banggitin ang pangalan, basta may tatlo lamang testigo na nagsabing nakilala nila kung sino ang actor base sa blind item, maaari na iyong magdemanda. Pero kung gagawin niya iyon, inaamin na niyang siya ang tinutukoy ni BB na actor na nakipag-affair kay Rustom Padilla. Eh gusto ba naman niya ang ganoon?

Kung kami ang tatanungin, walang masamang ginawa si BB. Nagkuwento lang siya tungkol sa naging affair ni Rustom sa isa pang actor, at palagay naman namin, kung wala mang “written permission” may “presumed right” si BB na isulat ang affair ni Rustom. Tandaan ninyo, dalawang magkaibang personalidad na iyan. Si Rustom ay isang actor noon sa Pilipinas, dating asawa ni Carmina Villaroel. Si BB naman ay isang transwoman na naninirahan sa US. Pero posibleng “eye witness” sa naging affair ni Rustom sa sinasabi niyang isang actor na “magaling humalik.”

Alam mo Tita Maricris, hindi namin alam kung bakit laging ganoon ang description. May isang poging model na bisexual din ang nagkuwento sa amin, na iyon daw actor na iyon ay “napakagaling sa halikan.” Sabi rin ng isang poging call center agent, “magaling siya talagang humalik.”

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …