MAYROON nga bang demolition job laban sa broadcaster na si Arnold Clavio? Ewan kung bakit matapos ang mahigit 20 taon ay biglang lumabas ulit si Sarah Balabagan at inaming ang tatay ng kanyang anak na panganay ay si Arnold. Hindi kumibo si Arnold, kaya hinahamon siya ni Sarah na aminin iyon.
Iyon naman ang pinagmulan ng demolition job na sinasabing dapat sipain ng GMA 7 si Arnold, dahil pinalalabas na nagsamantala siya sa noon ay menor de edad pang si Sarah. Pero walang reklamo si Sarah. Hindi naman niya sinabing pinilit siya o pinagsamantalahan. Hindi naman niya sinasabing hindi kinikilala o binibigyan ng panahon ni Arnold ang kanilang anak. Higit sa lahat, 20 taon na iyan at lampas na ang prescriptive period para maidemanda nang legal si Arnold.
Wala naman silang magagawa eh, talagang demolition job lang iyan.
HATAWAN
ni Ed de Leon