Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malalang pag-ubo ni Bong, nakaaasiwa; ‘Di na dapat ipinakita

MAS naalarma yata kami nang makita namin ang social media post na  ubo nang ubo si Senador Bong Revilla sa isang video na tumagal ng halos tatlong minuto. Wala siyang nasabi kundi “please pray for me.” Para bang napakalala ng sitwasyon dahil sa sunOd-sunod niyang pag-ubo.

Tiyak sasabihin naman ng iba, natural dahil Covid-19 iyan. Pero kung pag-aaralang mabuti, kahit na sabihin pang dumarami ang may Covid-19, napakarami naman ang gumagaling sa nasabing sakit. Ibig sabihin, kahit na wala pang bakuna, basta naaalagaan at naagad naman ang pag-gamot at pagpapalakas ng katawan ng pasyente, gagaling siya.

Isa pang dapat isipin, si Bong ay isang actor, at maraming fans. Iba rin ang kanyang image bilang isang actor. Para bang nakaaasiwa na ang isang action star ay makikita mong nasa ospital at ubo nang ubo. Eh kung sa bagay, iyon ang katotohanan. Kahit na mga action star, nagkakasakit din naman. Pero palagay lang namin, iyong mga ganoong klase ng video ay hindi na dapat pang ipakita sa publiko. Hindi namin alam kung ano ang katuwiran ng mga nag-upload niyon sa social media, dahil marami na ang nag-share niyon at kumalat na. Siguro nga maganda naman ang kanilang intensiyon. Baka gusto nilang kumalat iyon para mas marami nga ang magdasal para kay Senador Bong.

Pero ewan, ang paniwala namin hindi pa rin dapat palabasin ang mga ganoong video. Lalo na nga iyang mga action star, may image silang kailangang pangalagaan.

Hindi mo naman masasabi na pagkatapos niyan tatalikod na si Senador Bong sa pagiging action star. In fact, maliwanag sa kanyang mga aksiyon na gusto niyang balikan ang acting career, kaya nga tumanggap pa siya ng isang TV show. Parang napaka-unglamorous niyong ganoong video na ubo siya nang ubo.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …