MALAKING awayan pala ang nangyari sa dalawang actor na “may relasyon.” Lumalabas na iyong mas madatung na actor ang siyang nagsusustento roon sa hindi masyadong malaki ang kita. Pero gusto naman daw niyong isa na kumita nang malaki rin, kaya pumayag siyang gumawa ng isang gay film. Hindi naman pinanood iyon ng mas madatung na actor, pero isang kaibigan niya ang nagkuwento sa kanya ng mga ginawang sex scene ng kanyang karelasyon, “at mukhang hindi fake iyon.”
Nagwala ang mas madatung na actor at pinaalis sa condo ang kanyang karelasyon. Ipina-stop din daw niyon pati ang credit card ng karelasyon. Pero makalipas ang ilang araw, nalaman niya na ang karelasyon ay nakatira na sa bahay ng isang bading na director. May sumalo agad doon dahil pogi naman talaga. Nagsisisi kaya ang mas madatung na actor dahil sa nangyari?
(Ed de Leon)