MABUTI naman at naisipan ni Nadine Lustre na magbukas ng isang “on line flower shop” na siya mismo ang gumagawa ng mga floral arrangements. Maaaring may mag-order sa kanya, dahil lamang sa paniniwala na siya mismo ang talagang nag-aayos niyon. Isipin mo nga naman na magkakaroon ka ng mga bulaklak na ang nag-ayos ay si Nadine pa mismo, hindi mo nga ba maipagyayabang iyon kaysa bulaklak na ginawa lang sa Dangwa?
Okey iyan, tutal talagang wala pa namang direksiyon ang career ni Nadine sa ngayon. Wala siyang projects. At least may pagkakakitaan pa rin siya.
HATAWAN
ni Ed de Leon