HANGGANG ngayon, lumilitaw pa rin sa mga usapan iyong pangyayari sa isang resort na sinasabing nalasing ang isang matinee idol, at nang makasabay niya sa CR ang isang poging male model, hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. Dinakma niya ang private parts ng male model. Sinapak siya ng male model, at naging bulong-bulungan ang kuwentong iyon.
Ewan kung may iba pang nangyari pagkatapos niyon, pero hanggang ngayon ay hindi nga matapos-tapos ang usapan kahit na sabihing ang matinee idol ay may girlfriend na, lumalabas pa rin iyong nasapak siya dahil dinakma niya ang private parts ng isang poging male model na nakasabay niya sa CR.
(Ed de Leon)