HOY, si Derek Ramsay na mismo ang nagsabing siguro nga pakakasalan na niya ang kanyang girlfriend na si Andrea Torres in two years’ time. At least naiisip na ni Derek na lumagay na sa tahimik talaga. Noon kasi hindi niya magawa iyan dahil inaayos pa niya ang annulment ng naging kasal niya noon doon kay Mary Christine Jolly. Eh ngayon mukhang nagkasundo na sila, at naayos na nga yata iyon.
Maganda rin iyang nangyaring iyan kina Derek at Andrea. Nagkasama lang sila sa isang serye at pagkatapos niyon, on na sila. Mukha namang hindi nagkabiglaan lang dahil tumagal na eh, at saka hindi na sila iyong mga bata noong ma-in love sila.
HATAWAN
ni Ed de Leon