MAY isang gay actor na lumalabas ngayon sa isang gay internet series ang sinasabing “nanananso” ng kapwa niya bading. Pogi rin naman kasi siya talaga, at una ngang sumikat sa internet wala pa man ang kanyang bakla serye. Siguro nakita niyang sa simula pa lang may “nagnanasa” na sa kanya, kaya ngayon sinasamantala naman niya iyon.
Kung mayroon nga ba namang nag-aalok sa kanya, tutal bading din naman siya, eh bakit hindi pa niya papatulan? Naghahanap sila ng pogi tapos magagalit sila kung “natanso” sila.
Dapat siguruhin muna nila kung lalaki nga bago sila makipag-date para hindi sila “natatanso.” (Ed de Leon)