MAY isa pang tsismis, sinusubukan daw ng isang poging male star–model ang isa pang male star kung kakagat sa kanya, para mapatunayan niya ang matagal na ring tsismis na iyon ay gay. Kasi sinasabing nililigawan nga ngayon ng gay na male star ang kanyang dating girlfriend.
Kung kakagat ang gay star sa pain ng poging male star model, tiyak na mabubuko siya at baka malantad na ang pinakakatago-tago niyang lihim noon pa man. Marami na rin namang tsismis tungkol sa gay male star na sinasabi pa nga noong araw na nakarelasyon ng isang sikat na male gay star din.
Uso naman yata iyan eh. Kahit pareho pa silang bading, nagpapatulan din sila. (Ed de Leon)