Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga gumuguhit na kirot at sakit sa braso pinawi ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Myrna Diomangay, 57 years old, nakatira sa Barangay Baclaran.

Minsan bigla na lamang may gumuguhit na kirot sa kaliwang braso ko. Mula sa gitna hanggang sa siko. Hindi ko ito maipaliwanag kung bakit at saan nagmumula.

Minsan ay naidaing ko ito sa aking doktor at sinabi niyang iyon ay rayuma. Maaari ko raw inuman ng pain reliever na caffeine analgesic o kung kaya ko namang tiisin i-hot compress at haplosan ng oil. Niresetahan din niya ako Vitamins B-Complex with Vitamin E.

Sinunod ko ang payo niya. Uminom ako ng caffeine analgesic at bago matulog sa gabi ay naghaplas ako ng Krystall Herbal Oil. Galing po ang Krystall sa kaibigan ko. Binigyan niya nang minsang sumakit ang ulo ko at kanyang minasahe nang kaunti.

Kinaumagahan bibili na ako ng Vitamins B-Complex nang makasalubong ko ang kumare kong nagbigay ng Krystall Herbal Oil.

Isinama niya ako sa Berma Mall at doon ay nakabili ako ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6.

Pag-uwi ko sa bahay, muli kong inulit ang paghahaplas ng Herbal Oil pero hindi na ako uminom ng caffeine analgesic at uminom din ako ng Vit. B1B6.

Habang nakahiga ay pinakikiramdaman ko ang aking braso, aba, wala na ang kirot!

Ibang klase talaga kayo Sis Fely Guy Ong.

Sinula noon, lagi na akong may Krystall Herbal Oil, Vit. B-Complex at nagdagdag pa ako ng Krystall Nature Herbs bilang proteksiyon lalo ngayong pandemic.

Thank you Sis Fely sa iyong mga imbensiyon dahil malaking tulong sa amin.

 

 

Ang bago ninyong tagatangkilik,

 

MYRNA DIOMANGAY

Barangay Baclaran,

Parañaque City

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Ligo-NG-Ayos) Foundation

Kalinga Foundation Renews Lives and Hope Through Christmas Outreach

The Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Ligo-NG-Ayos) Foundation continues to live out its mission of restoring dignity …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …