Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Angel, ‘di feel ng netizens

MUKHANG hindi pa maganda ang naging reaksiyon ng mga tao sa unang paglabas ng bagong cable at internet show ni Angel Locsin na tinalakay niya ang problema ng mga jeepney driver na matagal nang hindi nakaka-biyahe, na ni wala nang pambili ng kanilang pagkain, at namamalimos na lamang. Siguro ang intensiyon lang naman ni Angel ay matawag ang pansin ng mga tao sa kawawang sitwasyon ng mga jeepney driver na iyon. Alalahanin ninyo, si Angel ay talent lamang. Siya lamang ang presenter sa show na iyan. Iyong material ay ginagawa pa rin para sa kanya. Hindi natin masasabing ang lahat ng lumabas doon at sinabi niya ay opinion nga niya.

 

Noong nakaririnig na kami ng comments, hinanap namin ang video ng cable at internet show na iyon, dahil hindi naman kasi namin napanood. Noong makita namin, maski kami  naramdaman namin na matindi ang simpatiya nila sa mga jeepney driver. Tama rin ang mga netizen na nagsabi namang mukhang hindi nila naisip ang mga pasaherong matagal nang nagtiis sa pagsakay sa mga bulok at mauusok na jeepney na ibinibiyahe pa kahit na parang running coffin na iyon sa mga kalye natin.

 

Natanong nila si Angel, naranasan mo na ba ang sumakay sa bulok na jeepney, na mabilis niyang sinagot na commuter siya noong araw na hindi pa siya artista. Kung kami iyon, ang itatanong namin sa kanya ay kung ano ang kanyang mararamdaman kung ang sinasakyan niya kailangang bombahin ng tatlo hanggang apat na beses bago kumagat ang preno, at sasakay ba siya sa ganoong sasakyan?

 

Isa pa, matagal nang mayroong jeepney modernization law, na hindi maipatupad dahil sa tuwing ipatutupad, magra-rally ang mga driver ng mga bulok na jeep na siya pang matatapang. Na ang katuwiran inaalisan  sila ng kabuhayan. Eh paano naman ang buhay ng mga sumasakay sa kanila?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …