Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bitak sa paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil  

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Magandang araw po sa inyo. Ako si Mariafe, taga-San Jose del Monte, Bulacan. Isa ako sa inyong mga tagatangkilik at ilang beses nang napatunayan ang galing ng Krystall Herbal products sa aming araw-araw na pamumuhay.

Sa pagkagising pa lang, ginagamit ko na ang Krystall Herbal Oil. Inihahaplos ko ito sa buong katawan bago maligo. Proteksiyon ko iyon para huwag masyadong ma-absorb ng aking balat ang mga kemikal mula sa sabon na ginagamit ko.

Pero mas madalas inihahaplos ko ito bago matulog sa gabi. Kasi narerelaks akong mabuti.     Pero minsan, natuklasan ko na nakapagpapahilom din pala ng mga bitak sa paa ang Krystall Herbal Oil.

Matagal ko rin ipinag-aalala ang mga bitak sa aking talampakan, minsan sinubukan kong ipahid sa aking mga paa pagkatapos maligo at pagkalinis ng paa bago matulog sa gabi ang Krystall Herbal Oil.

Kinaumagahan, nagulat ako ‘pag hawak ko sa paa ko, lumambot ang mga bahaging may bitak tapos napansin ko, unti-unting naghihilom.

Isang linggo ko lang ginawa iyon araw-araw, hanggang tuluyang naghilom ang mga bitak sa paa ko. Napakahusay talaga ng inyong Krystall Herbal Oil, Sis Fely Guy Ong.

Maraming salamat sa inyong patuloy na paglikha  ng mga produktong malaki ang naitutulong sa aming kalusugan.

 

Nagpapasalamat,

 

MARIAFE VERE

San Jose del Monte,

Bulacan

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …