MAY statement na si Harlene Bautista, happy naman siya sa dating asawang si Romnick Sarmenta dahil in love na naman iyon ngayon. Dalawang taon na rin naman silang naghiwalay. Iyon ay desisyon nilang dalawa. Wala silang samaan ng loob at nagkakasundo pa rin naman kahit na sila ay may kanya-kanya nang buhay.
Ano pa nga naman ba ang ikasasama ng loob ni Harlene kung sakali eh nakipagkasundo naman siyang wala na silang pakialaman matapos nilang maghiwalay. Hindi naman pinababayaan ni Romnick ang kanyang responsibilidad sa kanilang mga anak.
HATAWAN
ni Ed de Leon