Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon ni Romnick kay Barbara, ‘di itinanggi

HINDI naman nag-deny si Romnick Sarmenta na may girlfriend na nga siya ngayon, pero hinihiling lang niya sa mga tao na sana irespesto naman ang kanyang privacy.

Nagsimula lang naman lahat nang iyan dahil mismo sa mga social media posts ni Romnick din at ng sinasabing syota niya ngayong si Barbara Ruaro. Hindi naman siguro dahil gusto lang niyang itago ang relasyon niya sa indie actress, dahil kung iisipin mo bale dalawang taon na naman silang hiwalay ng dating asawang si Harlene Bautista, at naghihintay na lang ng annulment ng kanilang kasal. Pero siguro nga ayaw din ni Romnick na mapag-usapan ang kanyang pakikipagrelasyon habang hindi pa annulled ang kasal nila ni Harlene, at para wala na ring masabi ang lima nilang naging anak.

Hanggang ngayon, mahirap namang iwasan ni Romnick iyang tsismis, kasi ang tingin sa kanya ng mga tao ay parang matinee idol pa rin, at interesado ang mga fan sa kanyang lovelife. Natural iyon eh, at mahirap mo nang baguhin iyon.

Siguro makatutulong din kung sila mismo ang unang iiwas sa palitan nila ng mga post sa social media. Kasi basta nag-post ka sa social media, binubuksan mo na sa publiko kung ano man ang mga bagay na pribado tungkol sa iyo.

Kung kami naman ang tatanungin, eh ano ba kung may girlfriend na si Romnick, hindi ba natural lang naman iyon dahil matagal na siyang hiwalay sa asawa. Mas pangit naman siguro ang ginagawa niyong iba, hindi nga nagso-syota pero kung kani-kanino naman sumasabit.

Isa pa, dalaga naman si Barbara. Wala namang sabit kaya ano ang masama roon?

Pareho naman silang matured na, at alam na nila kung ano ang kanilang ginagawa.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …