MUKHA ngang masasabing champion sa parinig ang isang sexy male bold star. Panay ang daing niyang wala na siyang pera dahil sa lockdown, eh simula naman noong pagsawaan na ang mga gay indie film na ginagawa nila noong araw, talagang wala na siyang nakuhang trabaho.
Kaso noon, malakas pa ang “sideline” niya. Pero dahil nakakalat na nga ang kanyang mga sex video sa internet, natural nawalan na nang gana sa kanya ang mga dati niyang “fans.” Ngayon idinadaan niya sa parinig baka nga naman may magka-interes pa kung malalaman na nagsa-sideline na siya, at dahil sinasabi niyang wala na siyang pera, alam mo na ang ibig sabihin niyon ay “discounted rate” na siya. Hindi na kagaya noong araw na “ginto rate” siya kung maningil.
Sa totoo lang, madali naman talagang malaos ang mga nasa ganyang “business.”
Kailangan mag-isip siya ng mas ok na hanapbuhay. Magtinda naman kaya siya ng lumpia?
(Ed de Leon)