Thursday , June 4 2026

Angel, nagulat sa kawalang plano ng pamahalaan para magsagawa ng mass testing

MUKHANG talagang nagulat si Angel Locsin doon sa announcement ng gobyerno na hindi magkakaroon ng mass testing dahil umano sa hindi sasapat ang mga testing kit. Sa halip, inutusan nila ang pribadong sektor na siyang mangasiwa sa mass testing kung gusto nila. Eh iyang mass testing, iyan ang talagang kailangan para malaman kung gaano na kalawak ang epekto ng Covid-sa ating bansa. Habang walang mass testing, para lang iyang hula ni Hanz Cua.

Iyang si Angel, noon pa ay advocate na ng mass testing, kasi iyon ang kailangan talaga. Ganoon ang ginagawa sa ibang mga bansa na napababa  ang curve ng Covid-19. Iyon ang inaasahan din niyang gagawin dito sa atin, pero wala nga pala.

Parang kinakapos din ang gobyerno na hindi mo maintindihan kung bakit, samantalang napakalaki naman ang ginagawang ayuda ng pribadong sektor sa mga trabaho sana ng gobyerno, lalo na sa pag-ayuda sa mga mamamayang nawalan ng trabaho at nagugutom na dahil sa lockdown.

Hintayin na lang natin kung ano kalalabasan niyan. Anyway, may mass testing naman ang Red Cross, iyon nga lang may bayad iyon.

 

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …