NAPAKASIMPLE ng isinagot ni Robin Padilla sa kanyang kapatid na si Rustom, o BB Gandanghari na ngayon. Ang sabi lang niya, “tigilan mo na iyang tampo-tampo na iyan.”
Nauna riyan nagsabi si BB na nagtatampo siya sa kanyang mga kapatid, lalo kay Robin at maging sa kanyang pamangking si Daniel Padilla dahil ni hindi man lang nakaalala ang mga iyon na siya ay kumustahin kahit na may nabalitang hindi magandang nangyari sa kanya.
Pero may punto si Robin eh. ‘Di ba si Rustom naman ang lumayo sa pamilya nila dahil gusto nga niyang kilalanin na siyang isang tunay na babae?
HATAWAN
ni Ed de Leon