“PADALHAN mo ako ng load, at saka G cash, papadalhan kita ng sex video ko,” nakalagay sa screen shot na ipinadala sa amin ng isa naming kakilala, at iyon supposed to be, “ayon na rin sa screenshot” ay mula sa social media account ng isang baguhang actor.
Hindi pa naman ganoon kasikat ang actor, pero may pangalan na siya. May mga TV show na siya. May pangalan na siyang kailangang ingatan. Siguro nga hirap sila dahil walang kayod dahil diyan sa ECQ, pero huwag naman sanang ganoon.
Kasi ang ginagawa nilang ganyan ay nakaaapekto rin sa lahat ng iba pang artista hindi man gumagawa ng ganyang kahalayan. Kasi sasabihin “artista” hindi naman sasabihin kung anong klaseng artista. Lahat nadadamay na.
(Ed de Leon)