PANAY ang tawag ng isang indie actor sa kanyang “friend” at humihingi ng ayuda. Pero ang katuwiran naman ng friend, “aba basta ako inaayudahan niya nagbabayad ako.” Ibig sabihin, bakit nga naman siya magbibigay ng ayuda nang walang kapalit?
Sa panahong ito ng lockdown, lumalabas ang mga ganyang klase ng kuwento. Magugulat ka na lang na may nangyayari palang ganoon. Pero hindi mo masisi ang tao. Nagpapabayad ka eh, magtrabaho ka naman.
(Ed de Leon)