TAMA si Angel Locsin. Kung may mga ganyang kalamidad, tumulong na lang siya maganda pa ang image niya. Tutal doon na siya nakilala eh, dati kasi siyang volunteer ng Red Cross at hanggang ngayon naman yata ginagawa niya iyon. Bagama’t may mga proyekto siyang ginagawa on her own.
Kung tatakbo pa siya sa kahit na anong elective position, magkakaroon pa ng kulay ang kanyang ginagawang pagtulong. Sasabihing may personal pala siyang ambisyon. Isa pa, hindi naman maikakaila na may mga kaanak siyang naging opisyal din ng gobyerno, at ang mga iyon ay nasa oposisyon. Hindi rin puwedeng hindi siya matangay ng mga iyon.
Kaya tama lang na manahimik na lang muna siya at huwag nang pumasok sa politika.
HATAWAN
ni Ed de Leon