Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talent at family values, nagustuhan ni Pilita kay Rayver

BOTO si Pilita Corrales sa manliligaw ng kanyang apong si Janine Gutierrez na si Rayver Cruz.

Ang unang binanggit ni Pilita ay ang nagustuhan niyang talent ni Rayver, na sinasabi niyang mahusay kumanta at samayaw. Pero ang mas binigyan niya ng diin ay iyong katotohanang ang pamilya ni Rayver ay close sa isa’t isa, at nakikita niya na magkakasama silang magsimba kung araw ng Linggo. Si Pilita ay Katoliko rin naman at madalas sa National Shrine of our Lady of Mt.Carmel na malapit sa kanyang bahay sa New Manila.

Kilalang-kilala rin naman ni Pilita ang angkang pinagmulan ni Rayver, dahil ang mga Cruz ay itinuturing na haligi ng musika sa ating bansa, simula pa sa kalolo-lolohan ni Rayver.

Pero bilib kami kay Pilita, dahil sa sinabi niyang mukhang ang mahalaga pa rin sa kanya ay ang family values ng isang tao. Sinabi niyang sayang, hindi niya nakilala si Beth na nanay nina Rayver at Rodjun, pero alam  niya na marespeto ang mga bata sa kanilang mga magulang.

Sa ngayon nga naman bihira na sa mga kabataan ang ganyan. Ang mga kabataan ngayon, ang feeling ay masyado silang independent at halos wala nang pakialam ang kanilang mga magulang sa kanila. Bihira na iyong mga bata na close talaga sa pamilya, maliban na lamang kung natutukan talaga ng kanilang mga magulang ang pagpapalaki sa kanila.

After all, sino nga ba ang mas makakapagturo ng tamang values sa mga bata kundi ang kanilang mga magulang mismo? Maaasahan mo bang makakapagturo nang ganyan ang kanilang mga yaya? Kaya talagang iba pa rin ang dating ng mga batang alam mong inalagaan ng sarili nilang magulang.

Iyang mga batang masyadong independent, iyan ang nagiging mga barumbado at problema ng magulang pagdating ng araw.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …