BAKIT nga ba parang sunod-sunod na malas ang dumating kay James Reid? Nagtayo siya ng sariling management company, na wala namang mai-manage dahil lockdown nga. Nagtayo siya ng sariling music company na wala ring magawang recording dahil sa lockdown. Wala ring concerts. Wala rin kahit na out of town shows. Wala rin siyang serye dahil tigil ang produksiyon, lalo namang wala siyang pelikula.
Dalawang buwan na ang lockdown, at bago iyan matamlay na rin ang career ni James. Kaya nga hindi siya hinabol ng Viva eh, kasi mukhang hindi naman siya kawalan sa kompanya. Kung tatagal pa ang lockdown, ano na ang mangyayari kay James?
Mali kasi ang diskarte niya sa career eh.
HATAWAN
ni Ed de Leon