Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Richard, napanatiling Covid-19 free ang Ormoc

ISA lang ang sikreto ani Mayor Richard Gomez sa pagpapanatiling walang kaso ng Covid-19 sa Ormoc dahil maaga silang nag-lockdown. Noong tumindi na ang banta ng Covid-19, nagdeklara agad siya ng lockdown sa buong lunsod, at hindi na nila pinayagang may pumasok pang ibang mga tao sa lunsod nila. Wala na rin silang pinayagang lumabas.

 

Lahat daw ng limang entry points sa lunsod ay pinabantayan na sa mga pulis at sundalo. Wala talagang makapapasok maliban kung “emergency”. Halimbawa ay may manganganak, o kaya may iba pang emergency na hindi kaya ng mga ospital sa mga kalapit na bayan. Kung respiratory ailments naman, aba eh kailangan ng clearance mula sa kanilang city health officer. Dahil diyan hanggang ngayon wala pa ring kaso ng Covid-19 sa lunsod.

Maganda ang ginawa ni Mayor Goma. Iyong mga mamamayan ng Ormoc, malaya pa rin sa loob ng kanilang lunsod dahil wala namang hawahan, at saka alam nila ang kailangang gawin, may social distancing pa rin kahit na wala pa ngang reported cases ng Covid-19.

 

Hindi kagaya ng nangyari rito sa NCR, o sa iba pang lugar na kung kailan marami na ang nahawahan ng Covid-19 at saka pa nagkaroon ng community quarantine. Ang problema, hindi naman masustentuhan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga taong ayaw nilang palabasin ng bahay kaya marami pa rin ang makukulit.

 

Kung iyan nga kasi ay napaghandaan nang tama, hindi kailangang kulungin lahat sa bahay, at hindi kailangan ang malawakang pag-aayuda na hindi naman kayang ibigay ng gobyerno.

 

Kaya nagkakahirapan ngayon ay dahil nagkulang sa paghahanda. Sino ang may kasalanan?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …