Saturday , May 18 2024

Formula ng Korean love stories, dapat pag-aralan ng mga Pinoy director

ANO nga ba ang masama kung ang nakahihiligang panoorin ng mga Pinoy ay mga love story na Korean na ang mga leading men ay masasabi mong hindi lang pogi kundi “magagandang lalaki.” Ano ba ang kaibahan talaga? Tingnan ninyo ang kaisipan ng mga Pinoy simula noong una.

 

Hindi ba’t kahit naman noong araw ang kumitang mga pelikula ay mga love story? At tingnan ninyo, ano ba ang hitsura nina Eddie GutierrezJose Mari, Romeo Vasquez, Ricky Belmonte at iba pang mga leading men noon, hindi ba “magagandang lalaki”? Dumating ang panahon nina Alfie Anido, Gabby Concepcion, Lloyd Samartino, at ano ba ang hitsura nila, hindi ba “magagandang lalaki.” Dumating ang kasunod na batch, higit na sumikat si Aga Muhlach kaysa ibang kasabayan niya, at ano ang dahilan hindi ba dahil “magandang lalaki” siya. Ngayon, ano ba sina Daniel Padilla, Alden Richards, at iba pang sumikat hindi ba magagandang lalaki lahat, at kung minsan mas nakatatawag pa ng pansin ang hitsura nila kaysa kanilang leading lady?

 

Iyong ganoong klase talaga ang gusto ng Pinoy. Iyong ganoong klase rin naman ang sumikat kahit na sa abroad. Bakit ba si Elvis, si Leonardo di Caprio, at iba pa ay sumikat sa Hollywood bago pa man maipalabas ang pelikula nila? Hindi ba dahil magagandang lalaki?

 

Hindi naman namin sinasabing hindi sisikat kung hindi pogi. Mayroon ding hindi pogi na naging stars, halimbawa si Rene Requiestas. Ganoon din naman si Apeng Daldal, si Redford White, si Wengweng at iba pa na nagkaroon din ng chance pero huwag ninyong ipilit doon sa maling projects.

 

Ang hirap sa iba, wala nang ginawa kundi mainggit na lang. Click ang mga Koreano, bakit hindi pag-aralan ang formula at gumawa ng kalaban niyon na style Pinoy. Halimbawa kagaya ng mga pelikula ni Cathy Molina, hindi ba nakagawa na siya ng dalawang blockbuster na ang dahilan lamang ay love story din at mga poging leading men?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *