ANG lakas ng tawa namin nang ang isang kasamahan naming “nakatanggap ng tulong” mula sa isang ahensiya ng gobyerno ay nakatanggap naman ng notice na gamitin ang propaganda material ng nasabing ahensiya. Natunugan na namin iyan sa simula pa lang Tita Maricris, kaya nga hindi kami naging interesado eh, kasi hinihingi nila talaga na umayon ka sa kanilang mga pagkilos kung tatanggap ka ng “tulong” mula sa kanila.
Sa amin kasi, hindi namin naging ugali iyong paghingi ng kapalit kung ano man ang ginagawa naming ayuda. Tumagal na kami sa hanapbuhay na ito, walang makapagsasabing naghanap kami ng “kapalit” kung may nagagawa man kaming tulong.
HATAWAN
ni Ed de Leon