Dear Sister Fely,
Magandang araw po sa lahat ng tagasubaybay ng Krystall Herbal Products.
Ako po si Laila Torrente, 50 years old, taga-Las Piñas City. Ito pong aking patotoo ay tungkol sa bisa ng Krystall Herbal Yellow Tablet.
Nangyari po ito sa kaso ng aking anak na nagkakalagnat nang halos gabi-gabi. Ilang uri na ng mga paracetamol ang napainom ko sa kanya ngunit walang naganap na pagbabago.
Sinubukan kong ipainom ang Krystall Herbal Yellow Tablet (3-3-3) tig-tatlo-tatlong tableta pagkatapos niyang kumain. Napansin ko po agad na bumaba na ang lagnat ng anak ko.
Kinabukasan ganap na po siyang magaling. Talagang maaasahan ang Krystall Herbal Yellow Tablet sa oras ng pangangailangan.
Maraming salamat po!
Lubos na sumasainyo,
LAILA TORRENTE
Las Piñas City
Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong