NAGDESISYON ang SPEEd, ang samahan ng mga lehitimong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo sa bansa na huwag ituloy ang kanilang sana ay ikaapat na EDDYS Choice, ang awards na kanilang ibinibigay sa mga mahuhusay na pelikula at mahuhusay na manggagawa sa pelikula. Iyong effort at gastos para mairaos iyon, itutulong na lang nila sa mga naghihirap dahil sa ECQ.
Nakahihinayang, dahil iyan na lamang ang natitirang award sa pelikula na buo pa ang kredibilidad. Kailangan sana iyan ng industriya, lalo na nga’t ang mga pelikula, bukod sa hindi na makabangon, aba eh hindi pa napapanood ngayon dahil sarado ang lahat ng sinehan.
Sana isipin nila i-postpone na lang muna, huwag naman kanselahin talaga. Kung hindi kawawa naman ang mga pelikulang naipalabas noong nakaraang taon.
HATAWAN
ni Ed de Leon