MAY nagtatanong, bakit daw sa panahong ito ay hindi visible si Congresswoman Vilma Santos, eh kailangan pa naman ng mga tao ang tulong ng gobyerno, samantalang noong pumutok ang Taal, takbo agad siya sa mga barangay hindi lang sa Lipa kundi sa buong Batangas para magbigay ng tulong. Naubusan na ba ng resources si Ate Vi dahil sa dalawang magkasunod na disaster?
Ito ngayon ang totoong sitwasyon ha, iyong pagputok ng Taal, ibang klase iyon. Natural na kalamidad iyon. Itong Covid-19 ang kalaban mo, at ang utos self-quarantine, lalo na nga iyong mga sinasabi nilang immune compromised, ibig sabihin iyong hindi na ganoon kalakas ang katawan. Nitong mga nakaraang buwan, naging masasakitin si Ate Vi, sobrang pagod pa kasi dahil sa Taal, kaya ngayon malaking sugal kung lalabas pa siya ng bahay.
Pero sa kanyang bahay, patuloy ang paghahanda ng relief goods, na ipinamamahagi sa pamamagitan ng local government. Sa ngayon kasi mayroon ding sistema, local government ang concerned kaya si Ate Vi, nakasuporta na lang muna kay Mayor Eric Africa.
Maliwanag ba?
HATAWAN
ni Ed de Leon