ANG banta raw ng isang female star, magpapabuntis na siya sa kanyang boyfriend para siguradong hindi siya iwanan niyon. Malaki na rin ang kanyang “investment” sa kanyang boyfriend, na ilang panahon din naman niyang sinustentuhan ang kabuhayan at pati na ang mga bisyo. Kaya naman nagsisiguro siyang hindi na siya iwanan niyon.
Iyan ang hirap sa mga babae ngayon eh, mas nai-in love sa kanilang mga boyfriend, kaysa mga boyfriend nila ang ma-in love sa kanila. Bakit nga ba baliktad na yata ang mundo? Epekto ba iyan ng corona virus?
Subukan nga ninyong maligo ng purong alcohol, at lumaklak ng purong gin.
(Ed de Leon)