DAHIL nga siguro sa tindi ng pangangailangan, hindi lamang suma-sideline, pumapayag pa ang isang dating indie actor na mai-video ang sarili kasama ang kanyang mga client. Iyon pala ang dahilan kung bakit napakarami niyang private sex videos na kumakalat sa internet.
Ang ikinakatuwiran na lang daw ng dating indie actor sa kanyang misis, at sa kanilang “pastor” ang mga video na iyon ay bahagi ng mga nagawa niyang mga pelikula noong araw. Siyempre hindi niya inaamin ang kanyang sideline, lalo na at sinasabi niyang “born again” na siya ngayon. Pero hindi pa naman siya tumitigil talaga sa sideline niya eh. (Ed de Leon)