Dear Sister Fely,
Ako po si Leonila Palien, 63 years old, taga-Taguig City. Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa Krystall Herbal Oil.
Noong isang umaga, bagong ligo ang aking anak, nang bigla na lang po siyang nagsususuka. Ang dami niya pong isinuka tapos tubig pa po halos ang mga isinuka niya.
Iniisip ko baka nalamigan lang po ang anak ko. Hinaplosan ko siya ng Krystall Herbal Oil sa kanyang buong katawan lalo ang kanyang sikmura sa loob ng 30 minuto.
Nakatulog po ang anak ko sa kahahaplos ko po. Paggising niya, okay na po ang anak ko.
Maraming salamat po talaga dahil bumilis ang paggaling ng anak ko.
Ang inyong tagasunod,
LEONILA PALIEN
Taguig City
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong