Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Krystall Herbal Oil at Krsytall Herbal Powder champion laban sa paso at body odor

Dear Sister Fely,

Magandang araw sa iyo Sister Fely. Ako po si Nelia Hardin, 65 years old, taga-Laguna. Gusto ko lang pong ipamahagi itong aking magandang karanasan sa paggamit ng napakabisang Krystall Herbal Oil at Krsytall Herbal Powder.

Minsan po nag-ihaw ako ng isda, binabalot ko naman po sa foil. Noong inahon ko na ‘yung inihaw kong isda natuluan ang braso ko ng mantika at napaso po ako.

Ang hapdi po talaga sa balat, agad kong kinuha ang Krystall Herbal Oil ko at binuhusan ko ang napaso kong braso. Maya-maya pong kaunti nawala na ang pananakit ng braso ko.

Tinuloy-tuloy ko po ang paglalagay ng Krystall Herbal Oil nang ilang araw. After a few days ganap na pong naghilom ang napaso kung braso.

Ginagamit ko naman ‘yung Krystall Herbal Powder  sa sobrang pagpapawis, lalo na tuwing summer at nagustuhan ko rin po ang Sampaguita scent niya.

Sobrang galing talaga ng produktong ito dahil nakaaalis ng body odor at pangangati ng kata­wan lalo na ‘yung bungang araw sa katawan ko.

Maraming salamat po Sister Fely Guy Ong sa mga napakabisa mong produktong Krystall.

Lubos na nagpapasalamat,
NELIA HARDIN
Laguna

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …