Sunday , November 24 2024

Nadine, walang kawala sa Viva (maliban kung bibilhin ang kontrata)

HINDI maiiwasan ni Nadine Lustre ang usapang legal, dahil lumalabas na hindi pa naman pala tapos ang kanyang kontrata sa Viva. Sa kanilang kontrata, ang Viva ay hindi lamang film producer kundi talent manager din niya. Hindi siya pinansin ng Viva nang pumirma siya ng recording contract sa kompanya ni James Reid, bagama’t iyon ay labag din sa kanilang management contract kung iisipin. Kasi ang naisip naman ng Viva, hindi naman nila pinapirma ng recording contract si Nadine, at siguro ang iniisip nila, hindi naman siya singer.

Pero ngayong kumakalas na si Nadine sa management, ibig sabihin mawawala sa Viva ang karapatan sa kanyang mga pelikula, out of town shows, at mga commercial endorsement. Malaki na iyan kaya natural maghahabol na ang kompanya.

Ang sinusunod na legal opinion ng Viva ay ”a contract is a bilateral agreement and cannot be terminated unilaterally”. Iyan ang umiiral na rule hanggang ngayon. Maski nga ticket sa sine, o ticket sa bus, parang kontrata iyan at kung hindi mo magagawa ang parte mo, isasauli mo ang bayad. Hindi puwedeng basta wala na lang.

Pero may naging legal opinion sa bagay na iyan ilang taon na rin ang nakararaan na nagsasabing ang talent ay hindi tauhan ng manager. Iyong manager ang empleado ng talent dahil siya ang nagbabayad sa manager niya. At iyan ay isang kasunduan na nakasalalay sa tiwala. Kaya iyong simple lost of trust, maaaring palitan ng talent ang manager. Pero iyan ay isang legal opinion lamang at matagal-tagal na usapan pa iyan.

Ang pinakamagandang magagawa ni Nadine, bilhin na lang niya ang kontrata niya. Bayaran niya ang nalalabing panahon ng kontrata at sabihin na niya ang totoo kung ayaw na niya at wala na siyang tiwala sa kakayahan ng mga manager niya. Iyon lang ang paraan para mapabilis ang kaso.

Kung hindi maaaring habang pinag-uusapan iyan sa korte, hindi muna siya makatatanggap ng kahit na anong proyekto, at paano kung tumagal ang kaso? Habang may kaso, suspendido rin ang time clause ng kanyang kontrata, ibig sabihin hindi iyon magla-lapse. Baka kung matapos iyon ang role na lang niyang magagawa ay kagaya niyong Daig Kayo ng Lola Ko.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *