Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, pantasya ng mga millennial, bukol king pa

MAY isang designer na tumawag sa amin kahapon ng umaga, at sinabi sa aming magpunta sa isang social media platform, at ilagay sa search box ang ”#DanielPadilla”. Ginawa naman namin at lumabas nga ang isang mahabang serye ng mga post at repost ng isang video ni Daniel Padilla habang siya ay kumakanta, hindi namin alam kung saan.

Kung babasahin mo ang mga sinasabi nila, walang usapan tungkol sa kanyang kanta, ang pinag-uusapan masyado raw obvious ang “bukol” ni Daniel.

Nang muli kaming tawagan ng fashion designer para tanungin kung nakita na namin, sinabi niya sa amin, ”hindi ba si DJ na ngayon ang pantasya ng mga millennial. Siya na ngayon ang bukol king. Mali ang hula na ang pantasya ng mga babae at mga bading ay iyong si Marco Gumabao. Maliwanag na si DJ ang gusto nila” sabi niya.

Nagbalik kami sa social media platform at ang inilagay naman namin sa search box ay “#MarcoGumabao”. Aba wala ngang lumabas. Noon lang namin na-realize na totoo ang sinasabi na ang pantasya nila ngayon ay si Daniel na. Sinubukan din naming mag-search ng iba pang pangalan, wala rin. Talagang si Daniel lang ang napansin nilang ganoon.

Ang nakatatawa, hindi naman nagpapa-sexy si Daniel. Palagay namin hindi siya aware na sexy ang dating niya sa marami niyang fans. May panahon pa ngang nagpa-sexy si James Reid pero si Daniel hindi naman talaga. Bakit nga ba nangyari ang ganoon?

Siguro sabi nga nila, dahil sa pagiging mas conservative ni Daniel kaya lalo siyang naging sexy sa tingin ng fans. Pero totoo nga iyon. Ganyan din ang observations namin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …