Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Spiritual adviser nina Greta at Claudine, kontrobersiyal din?

EWAN kung ang kontrobersiyal na paring si Fernando Suarez nga ang spiritual adviser ngayon nina Gretchen at Claudine Barretto. Ang kontrobersiyal na pari ay nakita sa isang picture na kasama nila sa isang lunch para sa ilan nilang kaibigan, kasama rin ang kanilang inang si Inday Barretto.

Si Gretchen ay kabilang sa isang grupo ng mga “born again” Christian. Si  Suarez naman ay isang paring Katoliko, pero sa ngayon ay may naging problema sa hierarchy ng mga obispong Katoliko kaya hindi na ninyo siya nakikitang nagmi-misa sa telebisyon o saan mang pampublikong lugar kagaya ng ginagawa niya noong kadarating pa lamang niya galing sa Canada na roon siya na-ordenan.

Kung si Suarez ang kanilang spiritual adviser sa ngayon, aba eh kontrobersiyal na nga silang pare-pareho.

Pero tama rin naman na magkaroon sila ng isang spiritual adviser. Actually ang dapat nga ay magkaroon sila ng isang personal confessor na makapagbibigay sa kanila ng payo tungkol sa mga nangyayari sa kanilang buhay. Kadalasan may mga bagay kasing sa ating katuwiran ay tama, pero medyo lihis pala, at diyan dapat pumasok ang isang confessor o spiritual adviser.

Pero kung kami ang tatanungin, hindi dapat na pumili ng isang paring sikat. Mas mabuti nga kung ang confessor ninyo ay isang paring kilala ninyo, at kilala kayo. Kasi siya iyong mas makapagbibigay ng tama at makabuluhang payo. Kasi alam niya ang buhay ninyo kung ano. Naiintindihan niya kayo.

Maitatanong ninyo ngayon, ”eh paano kung itsismis ako, kilala ko pa naman.”

Hindi po maaaring gawin iyon ng isang pari, dahil oras na gawin niya iyon, alam niyang tiwalag na siya hindi lang bilang isang pari kundi bilang isang Katoliko rin. Sino ang gagawa ng ganoon? Ang sikreto nga, kung gusto ninyong matahimik ang isang paring kakilala ninyo tungkol sa inyo, ikumpisal ninyong lahat sa kanya, wala na siyang masasabi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …