UMALIS pala muna ng bansa ang male starlet na si Alex Diaz, matapos na ibulgar ng isang fitness coach ang kanyang ginawang indecent proposal. May nagsasabing maaaring magdemanda si Diaz dahil ibinulgar ng fitness coach ang kanyang pagiging bading, pero masisisi mo ba iyon eh talaga namang inalok niya ng indecent proposal iyong tao.
Anyway, tama na nga iyang umalis muna siya at hayaang humupa muna ang issue bago siya magbalik. Mahihirapan siya kung naririto siya, dahil tiyak iyon kahit na saan siya magpunta tatanungin pa rin siya tungkol sa indecent proposal niya, kahit na nga sabihing inamin na niya ang kanyang pagkakamali.
Iwas pusoy na nga muna siya habang mainit pa ang issue. Tapos at saka na lang siya bumalik.
HATAWAN!
ni Ed de Leon