Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kredibilidad ni Gretchen, sinisira; Picture w/ Atong habang natutulog, ikinakalat

MAHIGIT na sa isang linggo iyang Barretto wars, pero araw-araw may sumisingaw at iyon ay sinusundan ng mga tao. May gumawa na nga ng meme, na nagsasabing hindi sila kasali at ligtas sila sa Barretto wars, pero sinusundan pa rin naman nila kung ano ang nangyayari.

Ang labanan nga kasi nila ngayon, sino ba ang mas credible? Sino ba ang nagsasabi ng totoo?

Para sirain ang kredibilidad ng statement ni Atong Ang ganoon din naman ni Gretchen Barretto, may naglabas pa ng kanilang pictures, magkatabi sila sa eroplano at natutulog si Gretchen na nakahilig kay Atong.

Mabilis naman ang sagot ni Gretchen, “hindi ko na alam kung ano ang ayos ko kung natutulog ako, at saka nakadamit ako”. Totoo nga naman. Hindi mo kakikitaan ng malisya dahil nakadamit naman siya nang maayos, at natural na may nakakatulog sa eroplano lalo na kung mahaba ng biyahe. May iba pa ngang sinasadyang makatulog habang nasa biyahe para hindi mainip.

Pero iyon nga ang isang bagay na napansin namin. Hindi maikakailang sumikat si Gretchen bilang isang sexy star. Kung tawagin nga siya noon ay ST Queen. Naging third biggest producer ang Seiko dahil sa mga pelikula niyang ST. Pero ni minsan, sa mga pelikula man niyang nagawa o maski na sa pictures, wala kang nakitang si Gretchen ay nagbilad ng kanyang utong, o ng kanyang private parts. Hindi siya kagaya ng iba pati ang ibabang private parts ay itiniwangwang.

Kaya sabihin mo mang ST queen ang tawag kay Gretchen, hindi pa rin siya bastusin.

Basta ilagay mo lang naman sa ayos ang sarili mo, hindi ka babastusin ng mga tao eh.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …