PERO ano ba talaga ang naging role ni Nicole Barretto sa controversy?
Inamin ni Atong Ang na ang nanay ni Nicole na si Marichi Ramos ay nagtrabaho para sa kanya ng kung ilang taon din. Iyan naman daw si Nicole ay pinapag-aral niya, at naging taga-ayos ng kanyang schedules noon. Iyon lang ang sinabi ni Atong na ang claim naman ni Nicole ay naging boyfriend niya.
May nakita kaming post ni Claudine Barretto, na kasama niya sina Atong at Nicole, at sinabi niyang si Nicole ang “love of his life”, meaning syota ni Atong. Mas masama ang nasabi ni Gretchen kung paano nagsimula ang relasyon. Pero ang tatay ni Nicole na si JJ, hindi talaga nakikialam. Mukhang hindi siya approve sa naging relasyon ng kanyang anak kay Atong, kung ano man iyon.
May ilalabas pa raw si Gretchen, pero sana hindi na. Bayaan na nating tumahimik ang lahat.
HATAWAN
ni Ed de Leon