Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, kailangan ng magandang proyekto kaysa award

IPINAGMAMALAKI nilang napili na namang best actress si Nadine Lustre roon sa Asian Academy of Creative Arts dahil sa kanyang pagganap sa role niya sa pelikulang Ulan. Maliban sa sinabing iyang award giving body ay Singapore based, wala silang ibang detalye.

Mas maganda sana kung nasabi rin nila kung sino-sino ang tinalo ni Nadine, at kung ano-anong bansa ba ang naglaban. Mas maganda rin kung sana ay may background tayo kung ano nga ba iyang akademyang iyan na nagbibigay ng awards sa Singapore at kung paano nila napili ang mga artista at pelikula. Kaya lang walang detalye eh.

Pero iyang pelikulang Ulan, sinasabi maging ng kanilang producers na nag-rehistro lamang ng kabuuang P30-M kita nang ipalabas sa Pilipinas, kaya isa rin nga iyon sa mga dahilan kung bakit sinasabi nilang ipinalit nila si Bela Padilla sa festival movie na dapat na maging bida si Nadine kasama si Aga Muhlach.

Sa ngayon, hindi awards ang kailangang makuha ni Nadine. Kung gusto nilang makabawi si Nadine, mas kailangan siyang bigyan ng isang pelikulang kikita naman sa takilya. After all aminin natin, iyon naman ang mahalaga eh. Kahit na anong award pa ang mapanalunan mo, kung hindi kumikita ang pelikula mo wala rin. Kung bagsak ang mga pelikula mo, maski networks takot sa iyo dahil tiyak hindi ka makapag-aakyat ng ratings na kailangan nila para sila kumita.

Sa ngayon doon dapat na mag-concentrate si Nadine. Bago iyong kung ano-anong awards, o kung ano-anong angal at sama ng loob, isipin muna nila ano bang proyekto ang maaaring ipagawa kay Nadine na kikita ng malaki para naman makabawi siya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …